Cavs payag sa 3-way trade makuha lang si James

CLEVELAND--Sa ha­ngaring muling makuha si LeBron James ay gumawa ang Cavaliers ng sapat na salary-cap space para alukin ang superstar free agent ng isang maximum contract.

Pumayag ang Cleveland na i-trade sina guard Jarrett Jack, swingman Sergey Karasev at center Tyler Zeller sa isang three-team deal sa Brooklyn at Boston.

Sa nasabing three-team trade ay makukuha ng Cleveland si guard Marcus Thornton mula sa Nets at ibibigay siya kasama si Zeller at isang future first-round pick sa Celtics.

Dadalhin din ng Cavs sina Jack at Karasev sa Nets.

Ang hakbang ng Cleveland ay para makagawa sila ng espasyo sa layuning mapapirma ang Akron-born na si James, ang four-time league Most Valuable Player at pinakaaasam na player sa free agent market.

Nauna nang nagkaroon ng pakikipag-usap ang Cavs sa Minnesota Timberwolves para sa isang posibleng trade kay three-time All-Star Kevin Love kung babalik si James sa Cleveland.

Hangad ng Timberwolves na makuha si No. 1 overall draft pick Andrew Wiggins na maging bahagi ng anumang potential package mula sa Cleveland bago ikunsidera ang pagpapakawala kay Love.

 Wala pang desisyon si James at inaasahang gagawin ito sa Huwebes.

 

Show comments