^

PSN Palaro

Sun Cellular-Ming Ramos Nat’l Jr., badminton hahataw na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hahataw ang 1st Sun Cellular-Ming Ramos National Juniors Badminton Tournament Luzon Leg sa Hulyo 5- 6 at sa Hulyo 12-13 sa Powersmash Badminton Center sa Makati City.

Para makadiskubre ng mga bagong talento sa buong bansa, nagdesis­yon ang Sun Cellular sa pamamagitan ng pangulo itong si Orlando B. Vea na tanggapin ang hamon.

Pamamahalaan ng Sun Cellular ang juniors tour­nament  na may tatlong qualifying legs sa Luzon, Visayas at Mindanao regions.

Ang qualifying leg para sa Visayas region sa Cebu City ay sa Agosto 29- 31 at sa Mindanao region ay sa Setyembre 5-7 sa General Santos City.

Ang mga kategorya sa events ay ang boys and girls singles para sa U-13, U-15,U-17 at U-19, habang ang boys doubles, girls doubles at mixed doubles ay sa U-15, U-17 at U-19.

Ang mga magkakampeon sa tatlong qualifying legs ang kakatawan sa kanilang mga rehiyon sa National Finals na idaraos sa Manila sa Nobyembre 29-30.

Ang torneo ay suportado ng Sun Cellular, SMART Communications, Manny V. Pangilinan (MVP) Sports Foundation, Philippine Bad­minton Association Smash Pilipinas at Babolat.

 Ang kompetisyon ay may basbas ng Philippine Badminton Association (PBA) at bahagi ng Phi­lip­pine National Ranking System.

ASSOCIATION SMASH PILIPINAS

CEBU CITY

GENERAL SANTOS CITY

HULYO

MAKATI CITY

MANNY V

MINDANAO

NATIONAL FINALS

SUN CELLULAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with