ABAP Nat’l tourney bubuksan ni Pacman

DIGOS CITY, Philippines--Bubuksan ni multi-titled boxing champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang PLDT-ABAP National Boxing Championships ngayong alas-2 ng hapon sa Digos City Gym sa Davao del Sur.

Katuwang ni Pacquiao sa pamamahala sa torneo ang ABAP at ang provincial government ng Davao del Sur.

Higit sa 100 boksingerong may edad na 18-anyos pababa ang nakapasa sa ABAP Regionals na idinaos sa Infanta, Quezon (Luzon), Maasin City (Visayas) at Cagayan de Oro City (Mindanao) para paglabanan ang mga puwesto sa national pool.

“We welcome this partnership with Cong. Pacquiao. He started his amateur career in Digos City and he has many fond memories of the city,” sabi ni ABAP president Ricky Vargas.

Show comments