France, Germany do-or-die sa World Cup quarterfinals

Umiskor ng goal si Germany’s midfielder Mesut Ozil  sa aksyong ito laban sa Algeria sa Round of 16 sa World Cup sa Beira-Rio Stadium sa Porto Alegre, Brazil.

PORTO ALEGRE, Brazil--Mga goals sa hu­ling mga minuto ng laro ang sinandalan ng Germany at France para itakda ang pagkikita sa  quarterfinals sa 2014 World Cup dito.

“You don’t have to play fantastic every match,” wika  ni German coach Joachim Loew sa 2-1 extra-time pa­nalo kontra Algeria.

Walang nakaiskor sa naunang 90-minutong  tunggalian bago nakasilip ng butas sa depensa ang German substitute na si Andre Schuerrle sa 92nd minute.

Inangkin ni Mesut Ozil ang ikalawang goal ng Germany sa 120th minute para maisantabi ang injury time goal ni Abdelmoumene Dja­bou para sa Algeria.

Ito ang ika-siyam na sunod na World Cup na mag­lalaro sa Last 8 ang Ger­many at makakaharap ng three-time champion (1954, 1974, 1990) ang France na dinaig ang Nigeria, 2-0.

Isang header mula kay Paul Pogba sa huling 10-minuto ng labanan ang bumasag sa kawalan ng iskor ng laro.

Nadisgrasya pa ang Nigeria dahil sa sariling goal mula kay Joseph Yobo na tinangkang pigilan ang pag-atake ni Mathieu Valbuena sa 92nd minute.

Ito ang ikatlong pagka­kataon sa huling limang World Cup na nakapasok sa quarterfinals ang France at hanap ng koponan na mapantayan ang pagiging kampeon noong 1998 at runner-up noong 2006.

Show comments