MANILA, Philippines - Isinalpak ni Darius Estrella ang isang alley-oop basket sa natitirang 1.8 segundo para ilusot ang Jose Rizal University kontra sa five-peat champion San Beda, 76-74, sa juniors division ng 90th NCAA basketball tournament kahapon sa San Juan Knights Gym sa San Juan.
Tinanggap ni Estrella, ginamit ang pick ni Patrick Anonueva, ang pasa mula kay MJ Dela Vergel para sa panalo ng Light Bombers sa Red Cubs.
Samantala, lalabanan ng 2013 semifinalist Perpetual Help ang Mapua ngayong alas- 12 ng tanghali kasunod ang banggaan ng Lyceum at Arellano sa alas-2 ng hapon sa seniors division sa The Arena sa San Juan City.
Nauna nang nagposte ng panalo ang four-peat champions San Beda at San Sebastian.