Suarez sinuspinde ng 4-buwan dahil sa pangangagat kay Chiellini

BRAZIL-Pinatawan ng apat na buwang suspension ng FIFA si Luis Suarez bilang tugon sa pangangagat nito sa isang Italian player sa 2014 World Cup dito.Sa balikat kinagat ni Suarez si Giorgio Chiellini sa laro noong Martes na napanalunan din ng Uruguay, 1-0, para magpatuloy ang kampanya para sa titulo.

Dahil sa ipinataw na kaparusahan, si Suarez ay hindi na makakasama pa ng Uruguay sa mga susunod na laro ng koponan na magsisi­mula laban sa Colombia sa Last 16 match.

 Hindi rin siya makakalaro sa unang dalawang buwan sa kompetisyon sa Liverpool at bawal din siyang ma­kasama ng Uruguay sa Copa America na kung saan ang bansa ang siyang nagdedepensang kampeon.

Ito na ang pinakamahabang suspension na ipinataw ng FIFA sa isang foot­ball player matapos ang 15-buwan suspension kay Diego Maradona noong 1994 dahil sa pagbagsak sa drug test.

Kilalang mahusay na manlalaro si Suarez  pero kasama sa kanyang career ang kontro­bersya dahil ilang beses na siyang nasuspindi dahil sa pangangagat at di magandang asal.Ngunit tila nagbago na siya dahil noong nakaraang taon ay wala siyang na­ging suspension para kila­lanin bilang Best Player ng Englist league.

Show comments