^

PSN Palaro

Del Rosario kumpiyansa pa rin kahit walang import

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Huhugot ng lakas ang Perpetual Help Altas sa tema ng Season 90 sa NCAA basketball na ‘Heroes Today, Tomorrow’s Legend’.

Masasabing mas  mahina ngayon ang Altas dahil wala na silang foreign players na sinandalan sa mga nagdaang taon para lumakas ang opensa at depensa ng koponan.

Pero tulad ng slogan ng liga, naniniwala si Del Rosario na makakahanap siya ng diamante sa mga baguhang manlalaro para maipagpatuloy ang magandang ipinakikita sa liga.

“Wala kaming import ngayon at kulang kami sa malalaki. Pero malaki pa rin ang chance namin na manalo,” pagtitiyak ni Del Rosario.

Babalik sa koponan ang matikas na scorer at hinirang bilang  Rookie of the Year noong Season 89 na si Juneric Baloria.

Mas mabangis ito nga­yon dahil sa karanasan na nakuha habang naglalaro para sa Jumbo Plastic sa PBA D-League.

Ang Mythical Five member noong 2013 na si Ha­rold Arboleda ay maglalaro pa tulad ng iba pang bete­rano na sina Earl Thompson, Justine Alano at Joel Jolangcob.

Ang mga bagito ay sina Gabriel Dagangon, Ric Gallardo, Melvin Rodriquez at Flash Sadiwa na kung bibigyan ng playing time ay pinaniniwalaan ni Del Rosario na lalabas ang angking husay ng paglalaro para makatulong sa kampanya ng Altas.

Pumasok ang Perpe­tual sa Final Four sa hu­ling dalawang edisyon ng pinakamatandang collegiate league sa bansa at walang nakikitang dahilan ang coaching staff na hindi magpatuloy ito lalo na kung  hindi mawawala ang pagtutulungan ng kanilang pla­yers.

Baon  ng Altas papasok sa NCAA ang titulong inangkin sa Fr. Martin Summer Cup.

vuukle comment

ALTAS

ANG MYTHICAL FIVE

DEL ROSARIO

EARL THOMPSON

FINAL FOUR

FLASH SADIWA

GABRIEL DAGANGON

HEROES TODAY

JOEL JOLANGCOB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with