MIAMI--Handa si LeÂBron James na iwanan ang Miami kung ito ang kiÂnakailangan para manalo siya ng NBA championship.
At ang susunod na mangÂyayari ay hindi lamang nakasalalay sa Heat, kundi maging kina Dwyane Wade at Chris Bosh.
Sa pamamagitan ng kanyang agent, ipinabatid ni James sa Heat na hindi na niya tatapusin ang kanyang huling dalawang taon sa kontrata.
Ito ay para maging isa siyang free agent sa HulÂyo 1.
Maaari siyang puÂmir-Âma ng kontrata sa anuÂmang NBA team, kasama ang MiaÂmi, at inamin ni Heat President Pat Riley na inaÂsahan na niyang saÂsamantalahin ni James ang kanyang early termination option.
Pero naghanda na ang Heat para sa ganitong sitwasyon.
Sina James, Wade at Bosh ay lumagda ng magÂkakatulad na six-year contracts nang magsama sila sa Miami noong Hulyo ng 2010.
Ngunit ang naturang mga kontrata ay may nakakabit na opsyon para iwanan ang koponan ngaÂyong taon o sa 2015 para mabigyan ang mga players at koponan ng financial flexibility.
Si James - nagtala ng average na 27.1 points sa nakaraang season - ay mayroon pang $42.7 milyon sa kanyang huling dalawang seasons.
Ngunit maaaring maliit lamang ito kumpara sa maaari niyang tanggapin mula sa Heat o sa ibang NBA teams.