MANILA, Philippines - Buo pa rin ang mga pambato ng Pilipinas sa 2014 World 9-Ball Championship nang nagsipanalo ang mga nasalang sa ikalawang araw ng kompetisyon na ginagawa sa Al Saad Sports Club sa Doha, Qatar.
Upset ang naihatid ni Johann Chua kay Corey Deuel ng USA, 9-2,sa Group 13 habang sina Jeff de Luna, Israel Rota at Elmer Haya ay nanalo rin sa kanilang mga unang laro sa torneong sinalihan ng 128-manlalaro at maglaÂlaban-laban sa $30,000.00 unang gantimapala.
Si De Luna ay nanalo kay Tomasz Kaplan ng Poland, 9-4, at si Israel Rota ay binokya si J-Ram Alabanzas ng South Africa, 9-0, sa Group 14; habang si Elmer Haya ay nagdomina sa kababayang si Lee Van Corteza, 9-2, sa Group 16.
Hindi naman nagpahuli ang mga manlalarong nasa loser’s side nang manalo sa mga do-or-die matches sina Efren “Bata†Reyes, Ramil Gallego, Francisco Felicilda at Corteza.
Sinuwerte sa pagkakataong ito si Reyes na nalusutan si Denis Grabe ng Estonia, 9-8, sa Group 9, si Gallego ay wagi kay Mishel Turkey ng Qatar, 9-7, sa Group 4, si Felicilda ay pinagpahinga si Christian Aguirre ng Ecuador sa Group 1 at si Corteza ay nanaig kay Mario Morra ng Canada, 9-6, sa Group 16.
Kailangan pa ng mga manlalarong ito ang isang panalo para malusutan ang Group Stages at makakuha ng puwesto sa Last 64.
Sina Dennis Orcollo, Antonio Gabica, Warren Kiamco, Carlo Biado, Raymund Faraon at Elvis Calasang ay nangangailangan naman ng isang panalo sa winner’s group para umusad pa.
Kung matalo sila, kailaÂngan nilang maipanalo ang laro sa loser’s side para maging palaban pa sa titulo.