Sevilla, Descka talsik na sa FDG Cup
MANILA, Philippines - Pinayukod ni top seed Chiang Pei Hsin ng Taiwan si No. 8 Angela Sevilla ng PBA Smash Pilipinas, 21-19, 21-16, habang sinibak ni Indonesian second seed Asifa Nur Farisma si Descka ng Meralco, 21-16, 21-12, para umabante sa quarterfinals ng Open women’s singles sa FDG Cup Open and Invitational badminton tournament kahapon sa Powersmash Badminton Center sa Makati.
Makakatapat ni Chiang, naunang tinalo si Danica Peligrino sa first round, sa Last 8 stage si No. 7 Sarah Joy Barredo ng PBA Smash Pilipinas na tumalo kay Camille Gotohio ng La Salle, 21-5, 21-13.
Dinomina naman ni FaÂrisma si Calimlim mula sa kanyang power game para duplikahin ang kanyang 21-6, 21-4 pananaig kay Kim Jarabelo sa pagsisimula ng two-weekend ranking tournament na may basbas ng Philippine Badminton Association at idinadaos bilang paggunita kay Robinsons Land Corp. president Frederick D. Go.
Giniba naman ni local ace No. 7 Toby Gadi si Neil Pineda, 21-13, 21-5, patungo sa quarters sa Open men’s singles ng event na suportado ng Smart Live More, Smash Pilipinas, PNRS at Partners Cup sa pakikipagtulungan sa Li-ning bilang official shuttlecock.
- Latest