^

PSN Palaro

Heat babaligtarin ang kasaysayan sa NBA Finals

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO--Sisikapin ng Miami Heat na ibitin ang Spurs sa pagsikwat sa kanilang pang-limang NBA crown sa Game 5 ng NBA Finals ngayon.

Wala pang koponang nakakabawi mula sa 1-3 pagkakaiwan sa kasaysa­yan ng NBA Finals.

Ngunit may posibilidad ang Heat na baguhin ito.

“History is made to be broken, and why not me be a part of it? That would be great,” wika ni LeBron James. “That would be a great story line, right? But we’ll see what happens. I’ve got to live in the moment, though, before we even get to that point.”

Sapul nang magsama-sama sina James, Dwyane Wade at Chris Bosh sa Miami ay hindi pa naiiwanan ang Heat sa 1-3 sa isang serye.

“We’re not so entitled or jaded that we’re above ha­ving to fight for it, and that’s what it is right now,” ani naman ni Heat coach Erik Spoelstra. “It’s competition. So we’ve got to find a way to fight and get this next game, and that’s what it’s all about.”

Imbes na mag-ensayo ay nagpahinga ang Miami noong Biyernes.

Nakipaglaro si Mario Chal­mers sa kanyang anak, habang nanood si James ng pelikula at nagpahinga sa kanyang bahay.

Nag-relaks naman si Udonis Haslem kasama ang kanyang pamilya.

 

BIYERNES

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

ERIK SPOELSTRA

IMBES

MARIO CHAL

MIAMI HEAT

NAKIPAGLARO

NGUNIT

UDONIS HASLEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with