MIAMI--Umiskor si Kawhi Leonard ng career-high 29 points at tumipa ang Spurs ng isang finals-record na 75.8 percent ng kanilang tirada sa first half sa 111-92 paggiba sa MiaÂmi Heat at kunin ang 2-1 lead sa kanilang serye sa Game 3 ng kanilang NBA Finals.
“I just found a rhythm and my teammates found me the ball. I made shots,†sabi ni Leonard.
Nagsalpak ang Spurs ng 19 sa kanilang unang 21 shots at tumapos na may 25-of-33 fieldgoals shooting sa first half para tabunan ang 75 percent shooting ng Orlando Magic kontra sa Los Angeles LaÂkers noong 2009 finals.
“It’s a hit-or-miss league,†wika ni Dwyane Wade ng Heat.
“I don’t think we’ll ever shoot 76 percent in a half ever again,†sabi naman ni Spurs coach Gregg Popovich.
Nagtayo ang Spurs ng 21-point halftime lead, 71-50, matapos umarangkada sa first half.
Lumamang ang Spurs ng 25 points sa second quarter makaraang kumonekta ng 19 sa kanilang 21 shots.
Subalit napaliit ito ng Heat sa 14 points mula sa magkakasunod na three-pointers ni Rashard Lewis.
Nag-init din ang mga kamay ni Wade sa third quarter para ilapit ang MiaÂmi sa pitong puntos sa nasabing yugto.
Ngunit nagbalik sa kanilang pamatay na porma ang Spurs sa pagbubukas ng fourth quarter at ang mga basket ni Kawhi Leonard ang muling nagbigay sa kanila ng double-digit advantage.
Sa hawak na 2-1 abante sa serye, dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Spurs para angkinin ang kanilang pang-limang NBA championship.
Ito ang unang kabiguan ng Heat sa kanilang home floor sa playoffs.
Tumipa sina LeBron James at Wade ng tig-22 points para sa Miami na pamamahalaan ang Game 4 sa Huwebes.
Bumato lamang si Chris Bosh ng apat na tira para tumapos na may 9 points para sa Heat, sa ikalawang sunod na taon ay kailangan muling makabangon mula sa 1-2 finals deficit matapos mabigo sa Game 3.