MANILA, Philippines - Tatlong maalamat na atleta ng bansa sa bowling at billiards ang balak dalhin sa Iran para mapagningning ang ika-50th taon ng pagka-kaibigan ng Pilipinas at naÂsabing bansa.
Ang bowler na si Paeng Nepomuceno at ang mga bilyarista na sina Francisco “Django†Bustamante at Efren “Bata†Reyes ang balak ni PSC chairman Ricardo Garcia na pabisitahin sa Iran para magsagawa ng exÂhibition games.
Makasaysayan ang Tehran sa bowling career ni Nepumuceno dahil sa nasabing lugar niya nakuha ang una sa apat na World Cup titles na nangyari noong 1976.
“Makikipag-usap si Chairman Garcia kina Paeng, Bustamante at Reyes sa linggong ito para malaman kung papayag sila na magÂsagawa ng exhibition games para mapagningning ang 50th anniversary ng Philippines-Iran diplomatic relations. Balak ni Chairman na sa October ito gawin,†wika ni PSC executive director Atty. Guillermo Iroy Jr.
Si Iroy ang nakasama ni Garcia nang tumungo ito sa Tehran, Iran at noong Mayo 31 ay nagpirmahan sina PSC chairman at Asian Games Chief of Mission ng Memorandum of Understanding (MOU) at H.E. Mahmoud Goodarzi na Minister ng Sports and Youth para magtulungan ang dalawang bansa sa palakasan.
Balak din ng PSC na ipadala sa Iran ang koponan ng wrestling at weightlifting para rito magsanay bilang paghahanda sa Asian Games sa Incheon, Korea.