Fernandez muling itinaas ang respeto ng NLEX
MANILA, Philippines - Kung ihahanay ni NLEX Road Warriors coach Boyet Fernandez ang halaga ng kampeonatong kanyang napanalunan sa PBA D-League, tiyak na nasa unang puwesto ang kapapanalong korona sa Foundation Cup.
Lahat ng kampeonato ay nakuha ng Road Warriors gamit ang determinasyon at sakripisyo ng mga manlalaro.
Pero nadagdagan ang kulay sa pagkapanalo sa Foundation Cup dahil ang kanilang tinalo rito ay ang Blackwater Sports Elite, ang sumira sa sana’y ‘perfect record’ ng koponang pag-aari ni Manny V. PaÂngilinan kung pagsungkit ng kampeonato sa liga ang pag-uusapan.
Nangyari ang kabiguan sa 2013 Foundation Cup nang winalis sila ng Elite kahit nasa koponan ang malalaking manlalaro na sina Greg Slaughter at Nico Salva.
“This is the conference that we lost and our objective was to give NLEX the championship this year,†wika ni Fernandez.
Ito na ang ikaanim na titulo ng NLEX sa pitong sunod na pagtapak sa Finals at tunay na ibinalik ng koponan sa Elite ang mapait na karanasan noong nakaraang taon nang angkinin din ang 2-0 sweep sa naitalang 90-77 at 81-78 panalo.
Nagkaroon pa ang NLEX ng 13-0 season upang makumpleto ang hanap na redemption ni Fernandez.
“Nangyari ito dahil magagaling ang mga plaÂyers namin. Ito ang tunay na kahulugan ng salitang redemption dahil ang tinalo namin ay ang tumalo sa amin last year,†pahayag pa ni Fernandez.
May posibilidad na ito na ang maging kahuli-hulihang titulo na mapapasaÂkamay ng NLEX dahil isa sila sa tatlong koponan na pinahintulutan ng PBA na sumali sa 40th season ng pro league sa Oktubre. (AT)
- Latest