^

PSN Palaro

FIBA rule gagamitin ng SBP kay Blatche para makasama sa Asian Games

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasandalan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang dati ng ginagamit na batas ng FIBA  patungkol sa pagsusumite ng line-up ng isang koponan na sasali sa kanilang binasbasan na kompetisyon para makalahok si Andray Blatche sa Asian Games sa Incheon, Korea.

Ngayon ang huling araw na itinakda ng Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGOC) para sa mga kasaling bansa na maipadala ang pasaporte ng mga atletang isasabak sa kompetisyong itinakda mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Pero wala pang pasaporte ang manlalaro ng Brooklyn Nets sa NBA dahil hindi pa nalalagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang batas na nagdedeklara bilang isang naturalized Filipino ang 6’10 center.

Noong Lunes naipasa ng Senado ang batas at kung hindi pirmahan ng Pangulo ang dokumento ay mangangailangan na palipasin ang 15 araw matapos maipasa ito para tuluyang maging batas.

Sa alituntunin ng FIBA, ang mga koponan na sumasali sa kanilang kompe­tisyon ay binibigyan ng pagkakataon na bumuo ng pool ng manlalaro isang buwan bago ang aktuwal na kompetisyon.

Ang pinal na 15-man line-up ay binubuo lamang 15-araw bago ang kompetisyon habang ang opis­yal na 12-man line-up ay inihahayag sa managers meeting.

Ang Asian Games ay may basbas ng FIBA-Asia at ito ang gagamitin ng SBP na rason para makapasok si Blatche.

Inamin ni POC chairman at Task Force member Tom Carrasco Jr. na may ganitong alituntunin ang FIBA at ang kanilang ginagawa na paghingi ng pasaporte ng mga atletang isasali sa Asiad ay bilang pagtalima sa organizers.

“May organizers ang Asian Games at sumusunod lamang kami sa kanilang mga deadlines. Ngayon ang FIBA ay mayroon ding kanilang alituntunin at ang pag-uusap ay nasa pagitan na ng SBP at FIBA-Asia na manga­ngasiwa sa Asian Games,” paliwanag ni Carrasco.(AT)

 

ANDRAY BLATCHE

ANG ASIAN GAMES

ASIAN GAMES

BROOKLYN NETS

INCHEON ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

NGAYON

NOONG LUNES

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SAMAHANG BASKETBOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with