^

PSN Palaro

Puro na sa korona NLEX nakauna sa Blackwater

Pilipino Star Ngayon

 Laro sa Lunes

(Mall of Asia Arena,

 Pasay City)

3:30 p.m. NLEX

vs Blackwater Sports 

 

MANILA, Philippines - Nakitaan ng mainit na laro ang mga bench pla­yers na sina Art Dela Cruz at Roland Pascual upang may makatulong ang mga starters at ang inakalang dikitang labanan sa pagitan ng NLEX Road Warriors at Blackwater Sports Elite ay nauwi sa 90-77 tambakang panalo ng una sa PBA D-League Foundation Cup Finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nanguna sa pag-atake si Dela Cruz sa kanyang 18 puntos mula sa 7-of-10 shooting, habang si Pascual ay naghatid ng 17 puntos, kasama ang 4-of-7 sa three-point line para pamunuan ang NLEX sa 1-0 kalamangan sa best-of-three series.

Si Pascual ang siyang naunang kumamada nang ibagsak ang 11 sa kanyang puntos sa first half para bumangon ang Road Warriors sa pitong puntos pagkakalubog at mangibabaw sa first half, 45-40.

Matapos ang buslo ni Kevin Ferrer para ilapit ang nagdedepensang kampeon Elite sa tatlo, 45-42, nagtala ng tig-isang tres sina Pascual, Rome Dela Rosa at Garvo Lanete habang si Dela Cruz ay may apat pang puntos para ibigay sa NLEX ang 67-50 kalamangan.

“Sinabi ko sa kanila na hindi kami mananalo sa elite kung hindi namin susundin ang aming game plan. I thought we executed it perfectly,” pahayag ni NLEX coach Boyet Fernandez.

Sina Kevin Alas, Jake Pascual at  Ola Adeogun ay  may tig-11 puntos at sina Pascual at Adeogun ay nag­sanib sa 26 rebounds para manaig ang Road Warriors sa nasbaing departamento 45-41.

Bukod sa reboun­ding, nakatulong din ang walong triples na naipasok ng NLEX at lima rito ay gi­nawa sa second half.

May 20 puntos si Reil Cervantes habang sina Marvin Cruz, Kevin Ferrer at Gilbert Bulawan ay nagdagdag ng 18, 11 at 11 puntos.

Pero wala sa kondis­yon sina Jericho Cruz at beteranong guard Allan Mangahas na naramdaman ng koponan ni coach Leo Isaac.

Naisablay ang apat na attempts ni Cruz tungo sa isang puntos lamang matapos ang 25 minutong paglalaro habang si Ma­ngahas na pinaglaro lamang ng anim na minuto ay hindi nakaiskor.

Ang larong ito ay mapapanood sa Lunes (Hunyo 2) sa ganap na alas-6 ng gabi sa AKSYON TV.

Ang Game Two na pag­l­a­labanan sa Lunes ay isasaere sa Martes (Hunyo 3) sa alas-10 ng gabi habang ang deciding Game Three kung mangyayari ay mapapanood sa Hunyo 5 sa alas-6 ng gabi. (ATan)

ALLAN MANGAHAS

ANG GAME TWO

ART DELA CRUZ

DELA CRUZ

HUNYO

KEVIN FERRER

PUNTOS

ROAD WARRIORS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with