Sharapova humahataw pa sa French Open

PARIS--Nakahanap ng paraan si Maria Sharapova para talunin si Tsvetana Pironkova ng Bulgaria, 7-5, 6-2, patungo sa third round ng French Open.

Matapos masibak sina defending champion Se­rena Williams at second seed Li Na sa unang 24 oras, naging paborito ang 27-anyos na Russian star na makuha ang 2014 title.

Ngunit nahirapan ang Russian four-time Grand Slam winner, naghari sa Roland Garros noong 2012, sa kondisyon ng panahon kung saan siya nakagawa ng 27 unforced errors.

Naipanalo ni Sharapova ang kanyang limang laro laban kay Pironkova.

Naiwanan sa 2-4 sa opening set, inangkin ni Sharapova ang sumunod na tatlong laro para agawin ang unahan sa 5-4.

Sa pagtatabla sa 2-2 sa second set, muling nag-init si Sharapova para tuluyan nang sibakin si Pironkova sa loob ng isang oras at 32 minuto.

Lalabanan ng world num­ber eight na si Sha­rapova sinuman ang ma­nanalo kina Mo­nica Niculescu o Paula sa Last 16.

 

Show comments