MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang mataas na lebel ng paglalaro ng FEU Lady Tamaraws para kunin ang kampeonato sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference gamit ang 25-21, 25-23, 25-18, panalo sa National University Lady Bulldogs kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Hindi napigil ng naglaÂlakihang Lady Bulldogs ang magigilas na sina Rachel Ann Daquis, Jovelyn Gonzaga at Bernadette Pons habang si Yna Papa ang namahala sa takbo ng opensa ng koponan para makumpleto ang hindi inaasahang 2-0 sweep sa dating kampeon sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Nauna rito, inangkin ng Adamson Lady Falcons ang ikatlong puwesto gamit ang 25-15, 25-17, 25-22, straight sets panalo sa UST Tigresses.
“Ipinakita nila na kahit ano ang mangyari, kahit malalaki ang kalaban ay maÂgagawa namin ang gusÂto naming gawin,†wika ni Lady Tamaraws coach Shaq delos Santos.
May 12 kills at dalawang blocks si Daquis, si Pons ay mayroong 10 kills at tatlong aces habang si Gonzaga ay mayroong 11 kills at pitong digs.
May 21 excellent sets si Papa pero hindi rito natapos ang magandang laro ng FEU dahil ang libero na si Christine Agno ay mayroong pitong digs habang sina Geneveve Casugod at Mary Joy Palma ay naghatid ng mga krusyal na puntos na nakatulong sa pagbigay ng kauna-unahang kampeonato sa Lady Tams.
Ang magandang tapik sa bola ni Casugod na nasundan ng running attack ni Palma ang nagtulak sa FEU sa 24-22 sa second set.
Isang miss set ang nangyari sa Lady Tamaraws pero nawalang-saysay ito dahil sa over-reaching violation ni Jaja Santiago.
Mahigpitan ang tagisan ng dalawang koponan sa third set at angat lang ng isa ang FEU, 13-12, pero nagtala ng mga errors sina Jaja, Dindin Santiago at Carmin Aganon upang umaÂngat na ang Lady TaÂmaraws sa 20-13.
Ang service error ng MVP na si Dindin na nasundan ng spiking error ni Myla Pabla ang nagbigay sa FEU ng anim na matchpoint, 23-17.
Si Gonzaga na nakuha ang kanyang kauna-unaÂhang titulo sa ligang may ayuda rin ng Accel, Mikasa at Lion Tiger Mosquito Coil, ang siyang tumapos sa laro sa matinding atake.
Sa kabuuan ng championship series ay hindi nakatikim ng set win ang NU para katampukan ang pagkulapso ng laro ng nagdedepensang kampeon.
Ininda rin ng Lady Bulldogs ang pagkakaroon ng 24 errors na sumira sa tuwing nakukuha ng koponan ang momentum sa laro.