MANILA, Philippines - Nasa magandang konÂÂdisyon na si Marvin SonÂsona para sa kanilang reÂmatch ni Puerto Rican Wilfredo Vazquez Jr. sa HunÂyo 7 sa Madison Square Garden sa New York City.
Ang 10-round bout nina Sonsona at Vazquez sa junior featherweight division ay undercard ng labanang Sergio Martinez-Miguel Cotto.
Apat na taon na ang naÂkaraan nang ang dating WBO super flyweight titlist na si Sonsona (18-1-1, 15 KOs) ay tinalo ni Vazquez (23-3-1, 19 KOs) sa pamamagitan ng knockout sa ikaapat na round para sa WBO super bantamweight.
Ngunit matapos ang pagkatalo, ang 23-taong gulang na kaliwete mula sa General Santos City ay nanalo nang apat na sunod na laban, ang huli ay ang knockout niya kay Akifumi Shimoda sa third round sa Macau noong Pebrero.
Sa kabilang banda, natalo naman si Vazquez kay Jorge Arce noong 2011 at Nonito Donaire Jr. noong 2012. Sa kanyang huling laban noong Setyembre 2013, nanalo siya sa bisa ng unanimous decision laban kay Guillermo Avila.
Ang career break ni Sonsona ay noong 2009 nang talunin niya si Jose Lopez sa unanimous decision para sa WBO junior bantamweight title.
Nasa Maynila ngaÂyon si Sonsona para sa maigting na pagsasanay sa ilalim ng kanyang trainer na si Jhun Agrabio.