SAN ANTONIO--Ibinigay na nina Kevin Durant at Russel Westbrook ang lahat ng kanilang magagawa laban sa San Antonio Spurs sa Game One ng kanilang Western Conference finals.
Maski na tinambakan sila ng 15 points sa first half ay hindi sumuko ang dynamic duo ng Oklahoma City Thunder.
Ginamit nila ang kanilang husay para ibalik sa laro ang Oklahoma City.
At nang maisalpak ni Westbook ang kanyang 19-foot jumper sa huling limang minuto sa third quarter ay lumamang ang Thunder.
Ngunit sa fourth quarter ay wala nang nailabas pa sina Durant at Westbrook.
“We turned the ball over a little too much but we’ve got to continue to trust whether the guys are hitting shots or not,’’ sabi ni Durant.
Nagtumpok sina Durant at Westbrook ng pinagsamang 19 points sa unang pitong minuto ng third quarter para ibangon ang Thunder.
Subalit may pinagsama lamang silang 9 points sa huÂling 17 minuto mula sa depensa ng Spurs na sinamantala ang pagkawala ni shot-blocker Serge Ibaka.
Nakatakda ang Game 2 sa San Antonio.
Tumapos si Durant na may 28 points, habang may 25 si Westbrook.