MALE, Maldives--KumÂpiyansa ang Philippine Azkals sa kanilang tsansa sa 2014 AFC Challenge Cup, magsisimula ngayon, para makapaglaro sa 2015 AFC Asian Cup sa Sydney.
“After our bronze medal in the last Challenge Cup and semifinal stints in the AFF Suzuki Cup, we felt we should be taking it to the next level,†sabi ni team manager Dan Palami.
Ngunit bago pangarapin ng Azkals na labanan ang title holder na Japan, dating kampeong Iraq at Gulf power Jordan sa 2015 Asian Cup sa Sydney ay dapat muna silang maghari sa AFC Challenge Cup.
Bubuksan ng Pinoy booÂters ang kanilang kampanya sa pagsagupa sa Afghanistan.
Lalabanan ng Azkals ang Lions ngayong gabi sa Hithadhoo Stadium sa Addu City sa four-team Group B.
Matapos ang AfghaÂnistan ay haharapin naman ng Azkals ang 174th-ranked Laos sa Huwebes.
Anim na beses tinalo ng mga Laotians ang mga Filipinos at dalawang ulit na nagtabla.
Tatapusin ng Azkals ang eliminasyon sa pagsaÂgupa sa 156th-ranked TurkÂmenistan.
Sa 2013 Group E qualifiers ay natalo ang Green Men sa Azkals, 1-0.
Nabigo rin ang Azkals sa Turkmen sa semifinals ng 2012 Challenge Cup sa Nepal.
Positibo si ace striker Phil Younghusband sa tsanÂsa ng Azkals sa torneo.
“I think we have a stronger team this time,†wika ni Younghusband.