Arum handang ikasa ang Pacquio-Marquez 5

Matuloy kaya ang panlimang pagsasalpukan nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez? AP Photos

MANILA, Philippines – Matapos manaig ni Juan Manuel Marquez sa kanyang laban kontra Mike Alvarado kahapon, lumaki ang tsasang magkita muli sila sa panlimang pagkakataon ni Manny Pacquiao.

Sa panalo ni Marquez ay siya ang lumutang na number 1 contender para makaharap si Pacquiao na hawak ang WBO welterweight title.

Sinabi ng Mexicano na pag-uusapan muna nila ng kanyang kampo ang posibleng pakikipagbakbakang muli sa eight-division champion.

“What he (Marquez) said was he would go back and consult with his team and analyze the fifth fight and see what he'll do. I think it's a pretty good statement,” wika ng Top Rank chief na si Bob Arum sa ulat ng boxingscene.com.

Nakuha ni Pacquiao ang titulo matapos talunin si Timothy Bradley nitong Abril.

“I'm fairly confident. It's up to him. It really is. Manny wants the fight. I think there is a lot of money in the fight, so we'll see,” dagdag ni Arum.

Tangka ni Marquez na gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Mexicano na makakuha ng limang titulo sa magkakaibang division at ang isang paraan dito ay makaharap muli si Pacquiao.

Plano ni Arum na gawin ang laban sa Macau kung sakaling maikasa ang laban.

"This November we already got everything going for pay-per-view in China.”

Show comments