So tumabla uli kay Ivanchuk, abot kamay na ang titulo

MANILA, Philippines - Tumabla uli si Filipino GM Wesley So kay dating world challenger Vassily Ivanchuk ng Ukraine para hawakan na ang titulo sa Capablanca Memorial 2014 sa Habana Riviera sa La Havana, Cuba kahapon.

Perpetual check ang ginawa ni So kay Ivanchuk upang mauwi sa tabla ang 27-moves ng Sicilian Defense.

Matapos ang siyam na rounds, ang 20-anyos na si So ay may nalikom na anim na puntos at isang puntos ang layo niya kay Lazaro Bruzon Batista ng Cuba na nakipaghati rin ng puntos kay Zoltan Almasi ng Hungary.

 

Show comments