^

PSN Palaro

Shakey’s V-league season 11 finals; Feu, Nu agawan sa game 1

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mag-uunahan ngayon ang National University Lady Bulldogs at FEU Lady Tamaraws sa pagtangan sa mahalagang 1-0 kalamangan sa pagbubukas ng Shakey’s V-League Season 11 First Confe­rence Finals sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay matutung­hayan dakong alas-4 ng hapon kasunod ng unang salpukan ng UST Tig­resses at Adamson Lady Falcons sa ganap na alas-2 ng hapon para sa ikatlong puwesto.

Pararangalan din ng ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s ang mga nagpasikat sa conference sa paghatag ng mga individual awards matapos ang unang laro.

Best-of-three series ang Finals sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil kaya’t medyo lamang na ang nakauna sa serye.

Ang NU ay nagbabalak na maihanay ang sarili sa La Salle, UST at  Ateneo bilang mga koponan na nagtagumpay sa pagdepensa sa titulo sa first conference.

Sina Dindin at Jaja Santiago ang mangunguna sa tropa ni coach Ariel Dela Cruz na nananalanging lalabas na ang ‘killer’s ins­tinct’ ng mga alipores dahil hindi birong kalaban ang katunggali.

Ito ang unang pagkakataon na nasa championship round ang FEU at tiyak na hindi sila kontento na hanggang dito lamang ang kanilang maabot.

Taglay ng koponan ang dalawang mahuhusay na guest players sa katauhan nina Rachel Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga pero hindi nagpapahuli ang ibang kasapi na sina Bernadette Pons, Mary Remy Palma, Genevieve Casugod, Yna Papa at Christine Agno na nakitaan nang husay para talunin ang Adamson sa semifinals, 2-1.

“First time namin sa Finals pero hindi rito natatapos ang aming laban. Kailangang patunayan namin na karapat-dapat kami na umabot dito lalo pa’t hindi kami expected na pumasok,” tila hamon pa ni FEU coach Shaq delos Santos sa kanyang koponan. (ATAN)

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

ARIEL DELA CRUZ

BERNADETTE PONS

CHRISTINE AGNO

FIRST CONFE

GENEVIEVE CASUGOD

JAJA SANTIAGO

JOVELYN GONZAGA

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with