MANILA, Philippines - Ang Solar Sports ang muÂling tatayong official broadcast partner ng Pilipinas Super Liga (PSL).
Ayon kay Ramon 'Tats' SuÂzara, ang PSL president at pinuno ng nag-oÂorganisang Score, isasaÂere ng Solar Sports ang mga aksyon PSL 2014 All-Filipino Conference, magÂsisimula sa Mayo 16 sa Cuneta Astrodome, sa lahat ng Solar Sports cable channels.
Ang Solar Sports ay maÂpapanood sa Sky Cable (Ch.70), DesÂtiny Cable (Ch.35), Cignal (Ch.55) at Cablelink (Ch.58).
Sinabi ni Suzara, ang ikaÂlawang sunod na pakikiÂpagtambal ng PSL sa Solar Sports, pinangungunahan ng presidente nitong sina Wilson Y. Tieng at chairman at CEO William Y. Tieng, ay angkop sa pagpapalakas ng premier club league na patuloy na humahakot ng mga fans na naghahanap ng mga top-level volleyball action na nasa tema ng PSL na "Ito ang Volleyball!"
Libre sa publiko ang pagÂbubukas ng PSL sa Mayo 16.
Ang mga tiket ay makukuha ng libre sa Score ofÂfice, Unit 220, Vito Cruz ToÂwer 1, 720 Vito Cruz sa MaÂlate Manila (sa harap ng Philippine Sports Commission building sa Rizal MeÂmorial Sports Complex).
Ang mga interesadong fans ay puwedeng tuÂmawag sa 3533935 at haÂnapin si Angel para sa mga tiket.
Ang two-conference champion na Philippine Army, ibabandera ang paÂngalan ng Generika Drugstore, ang inaasahang lalaban para sa korona.
Hindi naman magpapaÂhuli sa Lady Troopers ang Cignal HD Spikers.
Pinayukod ng Lady Troopers ang HD Sipkers sa kanilang paghaharap sa nakaraang Invitational at Grand Prix Finals.
Ang bagong koponang AirAsia Flying Spikers, itaÂtampok si two-time UAAP MVP Abby Maraño at ang kanÂyang mga La Salle teammates, ay sinasabing isang title contender.
Sinasabi namang haÂhaÂmon din sa Lady TrooÂpers, HD Spikers at Flying SpiÂkers ang RC Cola-Air Force Raiders.
Posible ring magbigay ng magandang laban ang PLDT Power Attackers, CaÂgayan Valley Lady RiÂsing Suns at ang Systema Active Smashers.
Itatampok naman ng Petron Blaze Spikers si top pick Din-Din Santiago.
Sa men's division ay paparada ang Cignal, PLDT-Air Force, Instituto Estetica MaÂnila, Systema at ang UP AlumÂni Team.