Mixers lusot sa Texters para lumapit sa korona

MANILA, Philippines - Binuksan ng San Mig Coffee ang laro sa pama­ma­gitan ng mainit na open­sa.

At tinapos nila ito mula sa kanilang matibay na de­pensa.

Itinakas ng Mixers ang 77-75 panalo laban sa Tro­pang Texters sa Game Three para makalapit sa pag-angkin sa titulo ng 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Itinaas ng San Mig Coffee sa 2-1 ang kanilang ka­lamangan sa Talk ‘N Text sa best-of-five titular show­down nila.

Lumamang ang Mi­xers sa 23-9 sa first period bago naagaw ng Tropang Tex­ters ang 75-71 sa huling 1:15 ng fourth quarter.

Isang 3-point play ni import James Mays kasunod ang jumper ni James Yap ang nagbigay sa San Mig Coffee ng 76-75 bentahe sa nalalabing 28 segundo.

Samantala, hinirang na­man si Jayson Castro bi­lang Best Player of the Con­ference, habang si Ri­chard Howell ang kinila­lang Best Import.

San Mig Coffee 77 - Mays 20, Simon 17, Yap 13, Devance 10, Pingris 7, Sangalang 6, Barroca 2, Mallari 2, De Ocampo 0, Reavis 0, Melton 0.

Talk ‘N Text 75 - Castro 21, De Ocampo 18, Ca­naleta 12, Howell 10, Wil­liams 5, Carey 5, Re­yes Ryan 4, Reyes Rob 0, Aban 0, Fonacier 0, Ala­pag 0.

Quarterscores: 25-15; 37-35; 60-56; 77-75.

Show comments