So, Ivanchuk tabla

MANILA, Philippines - Nakipagtabla si Filipino GM Wesley So kay dating World challenger Vassily Ivanchuk ng Ukraine para manatiling nakasalo sa unang puwesto sa Capablanca Memorial 2014 sa Habana Riviera sa La Havana, Cuba kahapon.

Ang 20-anyos na si So ang naunang nagdomina sa laro at nagkaroon pa ng passed pawn sa c-file.

Pero nakahanap ng paraan si Ivanchuk na maitabla ang laro matapos ang 85-move sa Sicilian game.

Matapos ang apat na rounds, si So ay nakalikom na ng 2.5 puntos para saluhan sa unang puwesto si Zoltan Almasi ng Hungary at top seed Leinier Dominguez Pe­rez ng Cuba.

Si Almasi ay nakipagtabla kay Cuban Lazaro Batista Bruzon habang nauwi rin sa draw ang pagtutuos nina Dominguez Perez at Francisco Vallejo Pons ng Spain.

Ito ang ikatlong tabla ni So sa kompetisyon matapos makipaghati ng puntos kina Bruzon at Dominguez Perez bukod sa isang panalo kay Vallejo Pons.

Hanap ni So ang magandang pagtatapos para ma­ka­pasok siya sa Top 10 sa world rankings.

 

Show comments