^

PSN Palaro

Pinataob ang Gems Elite nagpasolido sa no. 2

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinapitan ng nagde­de­pensang kampeon Black­water Sports Elite ang ikalawang puwesto sa pamamagitan ng 85-78 panalo sa Cebuana Lhuillier Gems sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Meralco Gym sa Ortigas Ave., Pasig City.

May 23 puntos at 10 rebound si Reil Cervantes at siya ang tumayong bida nang naipasok ang bi­nitiwang 3-pointer para bigyan ang Elite ng 83-78 kalamangan sa huling 42 segundo ng labanan.

Nagdagdag sina Kevin Ferrer at Gilbert Bulawan na galing sa bench, ng 13 at 11 puntos habang si Jericho Cruz ay may 10 puntos bago na-foulout sa laro.

May 6-3 karta ang tropa ni coach Leo Isaac at kailangan nila na matalo ang Jumbo Plastic Giants sa Café France Bakers nga­yong hapon upang sa­mahan ang NLEX Road Warriors sa semifinals.

Kung manalo ang Giants, sila ang aabante sa Final Four dahil tinalo nila ang Elite sa kanilang pagtutuos.

Bumaba ang Gems sa 5-4 karta at bigo man sa insentibo para sa ma­ngungunang dalawang koponan, taglay naman nila ang twice-to-beat advan­tage sa quarterfinals.

Diniskaril ng talsik ng Hog’s Breath Café Razorbacks ang paghahabol sa quarterfinals ng Cagayan Valley Rising Suns sa 90-89 overtime panalo sa unang laro.

Nakuha ni Billy Ray Robles ang offensive rebound sa mintis na 3-point attempt ni Paul Sanga para sa winning play.

Tinapos ng Razorbacks ang laban bitbit ang 3-6 karta at ang off-the-bench na si Robles ay naghatid ng 14 puntos at 8 rebounds, lima rito ay sa offensive glass.

Ito ang ikaanim na kabiguan matapos ang siyam na laro ng Cagayan para magbakasyon na rin ang nasabing koponan.

 

vuukle comment

BILLY RAY ROBLES

BREATH CAF

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER GEMS

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FINAL FOUR

FRANCE BAKERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with