Durant may MVP title na

OKLAHOMA City--Nakamit ni Kevin Durant ang kanyang kauna-unahang MVP trophy.

Tumanggap ang Oklahoma City Thunder  star ng 119 first-place votes para ungusan sina Miami Heat superstar LeBron James, inangkin ang unang dalawang MVP awards at apat sa nakaraang lima, na may 6 first-place votes at Blake Griffin ng Los Angeles Clippers.

 Nakuha ni Durant ang kanyang ikaapat na sco­ring crown sa nakaraang limang taon mula sa kanyang average na 32 points.

Iginiya ng 6-foot-9 forward ang Thunder sa pagtatala ng 59-23, ang se­cond-best sa NBA, sa kabila ng paglalaro sa season na halos wala si three-time All-Star Russell Westbrook na may knee injury.

Show comments