^

PSN Palaro

Ex-cager bumasag ng Palaro record; Pondoyo binigyan ang Cebu ng 2 gold

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

SANTA. CRUZ, Laguna , Philippines  --Isang dating basketball player ang sumira ng record sa secondary boys’ shot put, habang dalawang gintong medalya ang isinulong ng isang Cebuano sa elementary boys’ chess.

Bumato si Bryan Jay Pacheco ng Aurora Pro­vince ng bagong markang 15.32 metro sa secon­dary boys’ shot put para burahin ang 2012 mark na 13.90m ni Richa Jey Cabanyug ng Region VI kahapon sa 2014 Palarong Pambansa rito sa Laguna Sports Complex.

“Siguro medyo magaan lang yung bola kaya naibato ko ng malayo,” sabi ng six-footer na si Pacheco, dating basketball player na lumipat sa athletics kung saan naniniwala siyang mapapabilang sa national team, sa paglilista niya ng bagong marka at pagsikwat sa gintong medalya.

Tinalo ni Pacheco para sa gold sina Ronmols Andaya (14.46m) ng Zamboanga Peninsula at Wendell Llames (14.07m) ng CALABARZON na pa­wang su­mira sa marka ni Cabanyug.

Nauna nang binasag ni Pacheco, ang ama ay isang tricycle driver at ang ina ay isang grocery helper, ang 2012 mark na 51.51m ni Danilo Abarra ng Ilocos Region sa javelin throw para sa kanyang bagong 57.81m sa Palarong Pambansa noong 2013 sa Dumaguete City.

Sa chess, inangkin ni Chris Adritz Pondoyo ng Central Visayas ang dalawang ginto sa elementary boys’ indivi­dual at team blitz events kung saan niya na­katuwang si Jeremy Ta­nudra.

Si Pondoyo ng Cebu ang unang atletang naka­kuha ng dalawang gold medal ngayong 2014 Pa­larong Pam­bansa.

Samantala, kabuuang 16 gold medals ang pag-a­agawan sa pagsisimula ng swimming event ngayon. 

Ang mga ito ay sa secondary boys’ at girls’ 400m freestyle, 100m backstroke, 200m butterfly at 4x50m medley at sa elementary boys’at girls’ 200m freestyle, 100m backstroke, 50m butterfly, 200m butterfly at sa 4x50m medley.

 

vuukle comment

AURORA PRO

BRYAN JAY PACHECO

CENTRAL VISAYAS

CHRIS ADRITZ PONDOYO

DANILO ABARRA

DUMAGUETE CITY

PACHECO

PALARONG PAMBANSA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with