Buenaventura babandera sa Phl sa Thailand Open

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni 2013 SEA Games bronze me­dalist Riezel Buenaventura ang four-man national athletics team na sasali sa Thailand Open Track and Field Championships na magsisimula bukas sa Bangkok,Thailand.

Makakasama ni Bue­na­ventura sina javelin thro­wer Evalyn Palabrica, high jumper Manuel Lasagne Jr. at long jumper Julian Fuentes para bigyan ng ka­rangalan ang Pilipinas sa apat na araw na kompe­tisyon.

Maliban kay Buenaventura, ang tatlong iba pang ka­sama ay mga baguhan at gagamitin nila ang kompetisyon para sa ma­ha­lagang karanasan na ma­aari nilang magamit sa tangkang pagsali sa 2015 SEA Games sa Singapore.

Hindi nakasama ang mga beteranong atleta ng PATAFA dahil naghahanda ang mga ito sa Philippine Na­tional Games mula Ma­yo 16 hanggang 25 sa Metro Manila.

Ang paglahok ng pam­bansang koponan ay suportado ng Cebu Pa­cific na siyang sumagot sa gastusin sa paglipad pa­tungong Bangkok at pagbalik ng Manila.

Naisaayos ang suporta ng Cebu Pacific dahil na rin kay PATAFA vice-chairman at dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Philip Ella Juico.

 

 

Show comments