MANILA, Philippines - Handang-handa na ang lahat para sa makasaysaÂyang unang pagtayo bilang punong-abala ng Laguna sa 2014 Palarong Pambansa.
Ito ang deklarasyon ni Governor Jeorge ‘ER’ Ejercito sa pulong pambalitaan na ginawa kahapon sa SM Calamba activity center.
“â€This is a dream come true,†wika ni Ejercito. “This is an excellent opportunity for every town and component cities of Laguna to prove its support to sports deÂvelopment.â€
Mahigit sa 10,000 manÂlalaro, opisyales at biÂsita ang pansamantalang maninirahan sa nasabing proÂbinsya para sa Palaro na gagawin sa Mayo 4 hanggang 10.
Para maging kumporÂtable ang mga bisita ay gaÂgamit ang Laguna ng 37 paaralan bilang billeting areas at may 16 pasilidad ang paglalaruan sa 24 sports events bukod pa sa apat na demo sports at dalawang special sports.
“We are confident that this week of sporting event which is the Olympics in the Philippines is one for the history books,†sabi ni Ejercito.
Ang opening ceremony ay gagawin sa Lunes at maÂÂngunguna sa magbiÂbigay ng pananalita ay si Manny Pacquiao.
Si Pacquiao na Kongresista ng Sarangani ProÂvince ay ‘adopted son’ ng LaÂguna dahil may bahay ito sa Biñan at ang mga anak ay nag-aaral sa Brent School.
Bukod kay Pacquiao, daÂdalo rin ang ice skater na beterano ng Sochi Olympics Michael Martinez, ang daÂting Palarong Pambansa swimmer na si Enchong Dee, PBA star James Yap at ang anak ni Ejercito at team captain ng La Salle athletics team na si Jericho Ejercito.
Sina Pacquiao, Martinez, Dee, Yap at Ejercito ay magsasagawa rin ng reÂlay run para sindihan ang torch bilang hudyat na buÂkas na ang 57th edisyon ng kompetisyon para sa mga mag-aaral sa elementary at high school.
Ang dating Pangulo ng bansa at ngayon ay MaÂnila Mayor na si Joseph Estrada, tiyuhin ni Ejercito, ay makikiisa rin sa sereÂmonya. (ATan)