^

PSN Palaro

Laguna Province handa na para sa pamamahala ng 2014 Palaro

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handang-handa na ang lahat para sa makasaysa­yang unang pagtayo bilang punong-abala ng Laguna sa 2014 Palarong Pambansa.

Ito ang deklarasyon ni Governor Jeorge ‘ER’ Ejercito sa pulong pambalitaan na ginawa kahapon sa SM Calamba activity center.

“”This is a dream come true,” wika ni Ejercito. “This is an excellent opportunity for every town and component cities of Laguna to prove its support to sports de­velopment.”

Mahigit sa 10,000 man­lalaro, opisyales at bi­sita ang pansamantalang maninirahan sa nasabing pro­binsya para sa Palaro na gagawin sa Mayo 4 hanggang 10.

Para maging kumpor­table ang mga bisita ay ga­gamit ang Laguna ng 37 paaralan bilang billeting areas at may 16 pasilidad ang paglalaruan sa 24 sports events bukod pa sa apat na demo sports at dalawang special sports.

“We are confident that this week of sporting event which is the Olympics in the Philippines is one for the history books,” sabi ni Ejercito.

Ang opening ceremony ay gagawin sa Lunes at ma­­ngunguna sa magbi­bigay ng pananalita ay si Manny Pacquiao.

Si Pacquiao na Kongresista ng Sarangani Pro­vince ay ‘adopted son’ ng La­guna dahil may bahay ito sa Biñan at ang mga anak ay nag-aaral sa Brent School.

Bukod kay Pacquiao, da­dalo rin ang ice skater na beterano ng Sochi Olympics Michael Martinez, ang da­ting Palarong Pambansa swimmer na si Enchong Dee, PBA star James Yap at ang anak ni Ejercito at team captain ng La Salle  athletics team na si Jericho Ejercito.

Sina Pacquiao, Martinez, Dee, Yap at Ejercito ay magsasagawa rin ng re­lay run para sindihan ang torch bilang hudyat na bu­kas na ang 57th edisyon ng kompetisyon para sa mga mag-aaral sa elementary at high school.

Ang dating Pangulo ng bansa at ngayon ay Ma­nila Mayor na si Joseph Estrada, tiyuhin ni Ejercito, ay makikiisa rin sa  sere­monya. (ATan)

BRENT SCHOOL

EJERCITO

ENCHONG DEE

GOVERNOR JEORGE

JAMES YAP

JERICHO EJERCITO

JOSEPH ESTRADA

PALARONG PAMBANSA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with