Pasok na sa quarterfinals Tigresses pinigil ang Lady Agilas
MANILA, Philippines - Humugot ng magandang laro ang UST TigresÂses sa lahat ng mga inaasahan para tapusin ang pagpapanalo ng bagitong Davao Lady Agilas, 23-25, 25-22, 25-19, 25-17, sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference kaÂhapon sa The Arena sa San Juan City.
Si Carmela Tunay ay mayroong 20 puntos, tampok ang 18 kills, habang si Pamela Lastimosa ay nagÂhatid pa ng 19 puntos sa 16 attack points, isang ace at walong digs.
Pero hindi nila sinolo ang pagdadala sa UST dahil may tig-apat na blocks sina Marivic Meneses at setter Ma. Loren Lantin habang may siyam na puntos pa ang bata pero mahusay na si Ennajie Laure.
Sampung digs at may 15 excellent receptions ang liberong si Dancel Dusaran habang may 33 excellent sets pa si Lantin para magkasalo na ang UST at Davao sa ikalawang puÂwesto (3-1) sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Impressibo rin ang inilaro ng Lady Agilas at sina Jocemer Tapic, May Agton, Venus Flores at Princess Oliveros ay tumapos bitbit ang 17, 16, 12 at 11 puntos.
Apat na blocks at tatlong aces ang nagpatingkad sa laro ni Tapic habang 15 at 11 kills ang ginawa nina Agton at Flores para maiwan lamang ng apat ang Davao sa attack department, 50-54.
Kailangan ng Davao na maipanalo ang huling laro laban sa San Sebastian sa Martes para magkaroon ng laban sa unang puwesto sa Group B.
Kung matalo sila at magwagi ang UST sa Perpetual Help, malalagay pa ang Lady Agilas sa ikatlong puwesto kasunod ng National University Lady Bulldogs at Tigresses sa quarters sa ligang may suporta pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.
Nagkaroon ng three-way tie sa unang puwesto sa Group A nang manalo ang Adamson Lady Falcons sa St. Benilde Lady Blazers, 25-9, 25-19, 27-25, sa ikalawang laro.
Natalo man ay pasok na ang St. Benilde sa quarterfinals.
- Latest