Wang’s Ballclub asam ang liderato sa MBL

Laro Ngayon

(Lyceum gym)

6 p.m. St. Dominic

vs. PUP

7: 30 p.m. Wang’s

vs. Fatima

 

MANILA, Philippines - Puntirya ng Ballclub ang kanilang ikatlong su­nod na panalo at ang lide­rato sa pagharap sa Our Lady of Fatima University, ha­bang makakatapat ng St. Dominic College of Asia ang Polytechnic Universi­ty of the Philippines sa 2014 MBL Open basketball championship ngayon sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.

Pamumunuan nina Erwin Sta. Maria at Anthony Cuevas, paboritong manalo ang Wang’s Ballclub kontra sa Fatima sa torneong suportado ng Smart Sports, Ironcon Builders, Dickies Un­derwear, PRC Couriers at Zucchero Sports Bar.

Winalis ng Mandalu­yong-based team nina ma­nager Alex Wang at coach Pablo Lucas ang PUP at Ly­ceum of the Philippines pa­ra makasalo sa liderato ang Sea Lions.

Makakatuwang nina Sta. Maria at Cuevas sina Eldrick Ferrer, Edwin Asoro, Mar Reyes, Eric Acuña, JM Ferrer, Keith Rosopa at si TV/movie actor Ervic Vijandre.

Show comments