^

PSN Palaro

Si Schaefer ang ayaw makipag-usap kay Arum Pacquiao-Alvarez fight posibleng mabasura

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung may tao mang ayaw maitakda ang pinapla­nong banggaan nina Manny Pacquiao at dating world champion Canelo Alvarez, ito ay si Golden Boy Promo­tions’ Chief Executive Officer Ri­chard Schaefer.

Isang araw matapos iha­yag ni Golden Boy president Oscar De La Hoya na gusto niyang muling ma­kasama sa isang boxing card si Bob Arum ng Top Rank Promotions, sinabi ni Schaefer na hindi niya ito pa­payagang mangyari.

Sa panayam ng The Times kay De La Hoya no­ong nakaraang Martes, sinabi nitong wala na siyang sama ng loob kay Arum.

, “If anyone with Golden Boy has any differences with Bob, it’s on them,” ani De La Hoya. “I have nothing against Bob and I feel making fights with Bob is be­neficial to the fans and the market.”

Inamin naman ni Schaefer na siya ang taong tinutukoy ni De La Hoya.

“Well, I guess it’s on me,” ani Schaefer. “I have no inte­rest in that.”

Nagkaroon ng pag-u­u­sap sina De La Hoya at Arum para sa posibleng pag­tatakda nila ng laban ni­­na Pacquiao at Alvarez nga­­­yong taon.

Huling nagsama sa isang boxing promotions si­­na Arum at De La Hoya no­ong 2009 nang maglaban sina Pacquiao at Ricky Hatton.

Pinatumba ni Pacquiao si Hatton sa second round.

Noon pa man ay hindi na magkasundo sina Arum at Schaefer.

“I’ve given Bob several opportunities, and a leopard never changes his spots,” wika ni Schaefer kay Arum. “With Oscar, it’s sort of like, one day he hates him, the next day he loves him, the next day he rips him, then he loves him again.”

Dahil sa banggaan ng Top Rank at Golden Boy ay hindi naplantsa ang super fight sana nina Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Ngunit kung gusto ni De La Hoya na matuloy ang ba­lak niyang Pacquiao-Alvarez fight kasama si Arum ay da­­pat muna niyang patahimikin o sibakin si Schaefer.

Alam naman ni Schaefer na hindi siya patatalsikin sa Golden Boy.

“I’m confident of who I am and what I’ve achieved,” sabi ni Schaefer .

Sinabi ni De La Hoya na si Schaefer ay may kontrata pa sa Golden Boy hanggang 2018.

Sa naunang panayam ay sinabi ni Pacquiao na wa­la siyang pinipiling kalaban.

Maski ito man ay si Alvarez na tinalo na ni Mayweather noong nakaraang taon.

Matapos mabigo kina Timothy Bradley, Jr. at Juan Manuel Marquez noong 2012 ay dalawang sunod na panalo ang inilista ng Filipino world eight-division champion.

Binugbog niya si Brandon Rios noong Nobyembre 24 sa Macau, China at ni­resbakan si Bradley noong Abril via unanimous decision para muling isuot ang WBO welterweight title. (RC)

ALVAREZ

ARUM

BOB AND I

BOB ARUM

DE LA HOYA

GOLDEN BOY

HOYA

PACQUIAO

SCHAEFER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with