^

PSN Palaro

UAAP aalisin na ang 2-year residency rule

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa ng alisin ng UAAP board ang two-year residency rule para sa mga atletang-mag-aaral na lumilipat ng paaralan.

Ayon sa ulat ng Spin.ph, isang batas ang ginagawa ng pamunuan ng liga na makakatugon sa pamimirata ng mga malalaking paaralan na isa sa malaking  dahilan kung bakit ginawa ng UAAP ang 2-year residency rule bago nagsimula ang Season 76.

Magsasagawa ang UAAP ng regular board meeting sa Miyerkules para pag-usapan ang mga pamamaraan upang alisin ang mga malalaking “bonuses” na ibinibigay sa isang mahusay na manlalaro ng isang paaralan upang lumipat ito.

Ang two-year residency rule ay para sa mga atletang man­lalaro na magtatapos ng high school at lilipat ng ibang paaralan .

Kailangang maupo ng dalawang taon ang atletang manlalaro na  lilipat ng ibang paaralan at hindi  bibigyan ng release papers mula sa mother school

Pero ang bagay na ito ay  umani ng pambabatikos matapos maapektuhan ang ilang  mahuhusay na high school players sa pangunguna nina Jerie Pingoy na nagtapos ng high school sa FEU pero lumipat ng Ateneo sa pagtungtong ng college.

Ang kanyang kaso ay umani ng atensyon kay Sena­dora Pia Cayetano na bumalangkas pa ng Senate Bill 2266 o Magna Carta for Student na naglalayong bigyan ng karapatan ang atletang-mag-aaral na pumili ng pa­aralang nais pasukan.

Si Pingoy ay nasa ikalawang taon ng pagsisilbi sa residency requirement pero may posibilidad na ma­ka­paglaro na sa taong ito kung matuloy ang pagkilos ng UAAP board.

ATENEO

AYON

HANDA

JERIE PINGOY

KAILANGANG

MAGNA CARTA

PIA CAYETANO

SENATE BILL

SI PINGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with