^

PSN Palaro

Road Warriors diretso sa 6

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gumana ang kamay ni Bobby Ray Parks Jr. sa huling yugto para tulungan ang NLEX Road Warriors sa paghagip ng ikaanim na sunod na panalo sa 98-82 panalo sa Derulo Accelero Oilers sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym, Cubao, Quezon City.

May 3-pointer at 3-point play si Parks sa nasabing yugto para makakalas ang Road Warriors mula sa hu­ling pagdikit ng Oilers sa tatlong puntos, 74-71, upang manatili ang pagi­ging walang talong koponan sa liga.

Tumatag pa ang kapit ng Cebuana Lhuillier Gems sa ikalawang puwesto nang naipasok ni Brian Ilad ang reversed lay-up tungo sa 77-76 panalo sa Café France Bakers.

Si Mon Abundo ang nagbigay ng 76-75 kala­mangan sa Bakers at nag­ka­roon ng magandang pag­kakataon na maipanalo ang laro nang sumablay ang dalawang free throws ni Marcy Arellano.

Pero si Arellano rin ang na­kakuha sa offensive rebound at naispatan ang nasa ilalim na si Ilad tungo sa winning basket.

Umangat ang Gems sa 4-1 karta habang ang Ba­kers ay bumaba sa 2-3 karta.

May dalawang dikit na tres ang ginawa ni Roider Cabrera habang apat ang ginawa ni Rudy Lingganay para pagningasin ang opensa ng Boracay Rum  at kunin ang 76-70 panalo sa Big Chill.

vuukle comment

BIG CHILL

BOBBY RAY PARKS JR.

BORACAY RUM

BRIAN ILAD

CEBUANA LHUILLIER GEMS

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DERULO ACCELERO OILERS

ROAD WARRIORS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with