Le Tour: Stage 1 kay Sheppard
OLONGAPO CITY , Philippines -- Isang batang karerista mula sa Continental team ng Singapore ang nanorpresa nang pangunahan ang uÂnang yugto ng 2014 Le Tour de Filipinas na nagmula sa Clark Field, Pampanga kahapon.
Sumabay kaagad sa pitong iba na nasa breakaway group si Eric Timothy Sheppard at hindi nagpabaya sa buong karera sa ilalim ng matinding sikat ng araw upang tuluyang pagtagumÂpayan ang karerang nabahiran ng aksidente sa finishline sa harap ng Olongapo Elementary School.
Solong tinawid ng Australianong si Sheppard na naka-base sa Singapore, ang 160 kilometer Clark to Olongapo City Stage 1 matapos ang apat na oras, anim na minuto at 52 segundo.
Mahigit dalawang minuto makaraang tumawid ng finish line ni Sheppard, naganap ang aksidente kung saan tumilapon ang third placer na si Kwon Soon Yeong ng KSPO-Korea nang bumangga sa photographer ng Rappler.com na si Josh Albelda.
Nakatungong nakipagÂrematehan si Kwon sa kanilang labanan para sa second place ni Yousif Mohamed Mirza Alhamdi ng UAE at hindi nakita si Albelda na kumukuha ng litrato ilang metro lamang pagtawid ng finish line.
Parehong duguan si Albelda at ang Korean rider na agad itinakbo ng mga organizers sa Unihealth-Bay Pointe Hospital and Medical Center. Parehong conscious ang dalawa na kasalukuyang sumasailalim sa CT-scan habang sinusulat ang balitang ito.
Tumama ang ulo ni Kwon na nagtamo rin ng maraming gasgas sa katawan habang si Albelda ay may malaking bukol sa kaliwang mata na tinamaan ng kanyang camera at puro gasgas ang braso. Nasaktan din ang photographer na si Alysa Salen ng Business Mirror na nagkaroon ng fractured clavicle.
Binabantayan ng mga organizers ang tatlong nasugatan.
Isusuot ni Sheppard ang yellow jersey ngayon sa Stage Two na 170-km Olongapo City to Cabatuan City. Ang Stage Three bukas ay 146.6 kms Cabanatuan City to Bayombong, Nueva Viscaya at ang Stage 4 sa Huwebes ay ang akyating 134-km Stage Bayombong to Burnham Park sa Baguio City.
Medyo nahirapang suÂmabay ang mga Pinoy sa mga kalaban at tanging si Mark Julius Bordeos ng Team 7-Eleven Roadbike Philippines ang nakapasok sa top 10.
Nagtangka siyang huÂmabol sa lead pack sa bahaging Morong, Bataan ngunit pinulikat ang kanyang mga paa kaya nakuntento ito sa ninth place.
- Latest