MANILA, Philippines - Hiniling ni PATAFA preÂsident Go Teng Kok sa mga kritiko na tigilan na ang pamemersonal at sa halip ay tingnan ang mga buÂting kanilang naiaambag sa larangan ng palakasan.
“The Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) has been one of the most hardworÂking sports association in the country. We credit our athletes and coaches for their combined effort to give the country honors in international competitions,†wika ni Go.
Ang pahayag na ito ay ginawa matapos manindigan na hindi niya bibitiwan ang mga national coaches na sina Joseph Sy at Roselyn Hamero.
Sina Sy at Hamero ay sinibak sa mga coaches na tumatanggap ng sahod sa Philippine Sports Commission (PSC) matapos akusahan na hindi naibibigay ang lahat ng oras sa Pambansang koponan na binitiwan ni Commissioner Jolly Gomez.
Si Sy ay pinagbawalan din ng PSC sa liderato ni chairman Ricardo Garcia, na tumapak sa mga pasilidad na pinamamahalaan ng ahensya, matapos maÂpatunayan na hawak nito ang mga ATMs ng atÂleta na may utang sa kanya.
Inamin ni Go na malaÂking epekto ang desisyon na panatilihin ang estado nina Sy at Hamero dahil ang NSA ang siyang saÂsagot sa kanilang buwanang sahod na nasa P20,000.00 bawat isa.
Pero nararapat lamang nila itong gawin dahil ang dalawa ang tunay na nakaÂtulong sa mga tagumpay na naitala ng athletics team sa malalaking kompetisyon sa labas ng bansa.
Umani ng anim na ginto ang inilabang delegasyon ng PATAFA sa Myanmar SEA Games para lumabas bilang pinakaproduktibong NSA sa hanay ng mga sumali. (AT)