Manny sa Vegas uli nais gawin ang susunod na laban
HOLLYWOOD--Gusto pa rin ni Manny Pacquiao na gawin sa Las Vegas ang kanyang susunod na laban.
Ito ay kahit sino o kailanman itakda ang kanyang susunod na pag-akyat ng boxing ring.
“I still like Vegas. I want to fight there,†sabi ni Pacquiao, nagmula sa unanimous decision win kay TiÂmothy Bradley, Jr. sa MGM Grand.
Mahal ni Pacquiao ang Las Vegas at mananatili ito sa kanyang puso.
Unang lumaban si Pacquiao sa Sin City noong 2001. Bilang isang late replacement, pinatumba niya si African Lehlo Ledwaba sa sixth round para agawin sa huli ang IBF super-bantamweight title, ang kanyang ikalawang world title.
At mula noon ay nagbigay na si Pacquiao ng mga kapana-panabik na mga laban sa Las Vegas at hinirang na nag-iisang boksingerong naghari sa walong magkakaibang weight classes.
Tatlong beses niyang nilabanan si Erik Morales at apat na ulit naman niyang hinarap si Juan Manuel Marquez sa Las Vegas.
Sa Las Vegas din tinalo ni Pacquiao si Marco Antonio Barrera at maging si Oscar dela Hoya.
Lumaban si Pacquiao ng 16 beses sa Las Vegas at 11 sa MGM.
“This is where I started. I like the crowd in Vegas,†sabi ni Pacquiao.
Matapos mapatulog ang Filipino icon ni Marquez noong Disyembre ng 2012, hindi lumaban si Pacquiao ng halos isang taon.
Sa kanyang pagbabalik ay lumaban siya sa Macau para sa kanilang non-title fight ni Mexican-American Brandon Rios.
Binugbog ni Pacquiao si Rios.
At noong Linggo sa haÂrap ng 15,601 fans ay binawian niya si Bradley sa kanilang rematch.
“I was very surprised,†wika ni Pacquiao sa ibiÂnigay sa kanyang crowd support.
Sinabi ng promoter ni Pacquiao na si Bob Arum na maaaring lumaban muli si Pacquiao sa Macau o sa ibang bahagi ng mundo.
Sa Nobyembre posib-Âleng muling lumaban si Pacquiao alinman kina Marquez o Mike Alvarado, maglalaban sa Mayo 17 sa The Forum sa Inglewood, California.
Ngunit wala pa itong katiyakan.
- Latest