Pacquiao-M’weather fight umingay uli

MANILA, Philippines - Matapos ang kumbinsi­dong panalo ni Manny Pacquiao  sa dating WBO welterweight champion  na si Timonthy Bradley kahapon ay muling naglabasan ang panawagan para pagsabungin sina Pacman at ang kasaluku­yang pound for pound king Floyd Mayweather  Jr.

“I think Manny Pacquiao and Floyd Mayweather should fight each other as the last fight for both of them,” tweet ni dating undisputed heavyweight champion Lennox Lewis.

Sinubaybayan ni Lewis ang kabuuan ng laban at bagamat hanga siya sa tapang ni Bradley ay tunay na iba ang kalidad nito sa Pambansang kamao.

“Bradley is a warrior. Just not in Manny’s lea­gue,” dagdag nito.

Wala namang inuuru­ngan si Pacquiao sa kung sino ang isunod na itapat sa kanya pero ipinagkakatiwala na lamang niya ito sa kanyang promoter.

“I’m so happy to be a world champion again. I can fight two more years,” wika nito.

Handa niyang harapin si Mayweather pero duda siya kung mangyayari ito.

“It is very difficult to speak Floyd Mayweather,” ani pa ni Pacquiao.

Matatandaan na lahat ng gusto ni Mayweather ay sinang-ayunan na ni Pacman para matuloy lamang ang inaasam na mega fight pero sa di malamang kadahilanan ay nagbago ang isip nito.

Show comments