^

PSN Palaro

Pacquiao i-eendorso ni Clinton para sa 2016 presidential election

Pilipino Star Ngayon

Las Vegas, Nevada --Tumanggap si Filipino boxing champion Manny Pacquiao ng isang hindi inaasahang bisita sa kanyang training session sa paghahanda sa rematch nila ni Timothy Bradley, Jr. sa Las Vegas.

Ang kanyang bisita? si dating US President Bill Clinton.

Hindi itinago ni Clinton ang kanyang paghanga sa Filipino boxer na miyembro rin ng Philippine House of Representatives.

Si Pacquiao ay isang incumbent elected representative ng Sarangani.

Sa kanilang 30-minute visit, pinag-usapan nina Clinton at Pacquiao ang ilang mga isyu mula sa boxing hanggang sa Clinton Global Initiative at pulitika sa Pilipinas.

Sa pagtatapos ng kanilang private meeting ay inihayag ni Clinton na pupusta siya kay Pacquiao at nagbigay ng prediksyon na muling mababawi ng Filipino boxer ang kanyang koronang inagaw ni Bradley noong Hunyo 9, 2012.

Inihayag din ni Clinton ang pag-eendorso niya sa kandidatura ni Pacquiao para sa 2016 Philippine presidential elections.

Ilang buwan na ang nakakaraan ay ibinunyag ng Adobo Chronicles ang pagnanais ni Pacquiao na maging kapalit ni President Noynoy Aquino na ang termino ay matatapos sa 2016.

Nagkaisa ang mga political analysts na maaaring manalo si Pacquiao sa presidential election dahil sa kanyang popularidad.

At ang pag-endorso ng popular ding si Clinton ang lalo pang magtataas kay Pacquiao sa 2016 political contest.

 

ADOBO CHRONICLES

CLINTON

CLINTON GLOBAL INITIATIVE

LAS VEGAS

PACQUIAO

PHILIPPINE HOUSE OF REPRESENTATIVES

PRESIDENT BILL CLINTON

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SI PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with