Asian Men’s Club Volleyball Championship: Iraq wagi sa Mongolia, Pinas pasok sa quarters
MANILA, Philippines - Hindi nagpabaya ang South Gas Club Sports ng Iraq laban sa Altain Bars ng Mongolia nang daigin ito sa apat na sets, 25-12, 25-17, 23-25, 25-15, sa pagtatapos kahapon ng Asian Men’s Club Volleyball Championship group eliminations sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Itinaas pa ni 6’6 BulgaÂrian import Aleksandaron Amaniev Metodi ang antas ng paglalaro matapos gumawa ng 26 puntos na kinatampukan ng 19 kills at pitong service aces.
Nakakuha pa siya ng suporta kina Gani Hussein Mustafa at Nasser Aseel Jameel na may 12 at 10 puntos upang ibigay sa Iraq ang 2-0 karta at unang puwesto sa Group A sa ligang handog ng PLDT Home Fibr at inorganisa ng Sports Core katuwang ang Philippine Volleyball Federation.
Ang panalo ay nakatulong din ng malaki sa PLDT TVolution Power Pinoys dahil umabante na rin ang home team sa quarterfinals sa 1-1 karta.
Tinapos ng Mongolia ang laban sa 0-2 karta at una silang pinataob ng PoÂwer Pinoys sa straight sets.
Ang unang dalaÂwang koponan sa apat na grupong kasali sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Healthway Medical, Maynilad, Gerflor Spurway, Senoh Equipment, STI, PSC, Makati Mayor Junjun Binay, Pasay City Mayor Antonino Calixto at MMDA Chairman Francis Tolentino ang uusad sa knockout round na magsisimula ngayon.
Dinedetermina pa ang final placings sa ibang grupo bago malaman kung sino ang mga magkakatapat sa quarterfinals na ang aksyon ay magsisimula bukas.
Ang lalabas na kampeon sa kompetisyon ay siÂyang kakatawan sa rehiyon sa World Men’s Club Volleyball Championship na gagawin sa Belo Horizonte, Brazil mula Mayo 5 hanggang 10.
- Latest