Bolts may tiket na sa quarters
Laro Ngayon (Mall of Asia Arena, Pasay City)
6 p.m. San MIg Coffee vs San Miguel Beer
MANILA, Philippines - Bumangon ang Meralco mula sa 22-point deficit sa first half para resbakan ang Barako Bull, 105-98, at sikwatin ang isang quarterfinals seat sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Winakasan ng Bolts ang kanilang two-game losing skid para isama sa quarterfinals ang San Mig Coffee Mixers at nagdedepensang Alaska Aces.
Matapos ibaon ng Barako Bull sa 44-22 mula sa split ni Willy Wilson sa 7:22 ng second period ay bumangon ang Meralco sa third quarter para makalapit sa 73-74 agwat sa pagtatapos nito.
Tuluyan nang naagaw ng Bolts ang kalamangan sa 81-78 matapos pakaÂwalan ang maikling 8-3 ataÂke patungo sa 96-88 paglayo sa Energy Cola sa huling 3:45 ng final canto.
Huling nakalapit ang Barako Bull, binuksan ang laro mula sa 14-0 bentahe, sa 95-99 agwat buhat sa three-point shot ni import Josh Dollard sa natitirang 34.6 segundo.
Meralco 105 - Jackson 30, Dillinger 16, David 15, Wilson 15, Timberlake 12, Hodge 10, Hugnatan 7, Caram 0, Salvacion 0, Sena 0, Guevarra 0.
Barako Bull 98 - Dollard 33, Intal 12, Pennisi 12, Fortuna 11, Miller 9, Miranda 8, Wilson 7, Marcelo 3, Buenafe 3, Pena 0.
Quarterscores: 20-33; 42-54; 73-74; 105-98.
- Latest