De Luna sinibak si Chua, pasok sa finals

MANILA, Philippines - Bumangon si Jeff “The Bull” De Luna mula sa pagkakaiwan para resbakan si Johann “Bubwit” Chua para sa kanyang come-from-behind 11-9 victory at angkinin ang unang finals berth sa Battle of the Kings 10-Ball Challenge noong Miyerkules ng gabi sa King of Sports sa Quezon City.

Naiwanan sa 4-7, na­big­yan si De Luna ng pagkakataon nang maimintis ni Chua ang 8-ball sa 12th at 13th racks.

Lalabanan ni De Luna sa finals ang mananalo sa semifinal duel nina dating  world champion Dennis Orcollo at Jeff Ignacio.

Lalaruin ang finals ngayon kung saan P100,000 ang makukuha ng magkakampeon.

Nauna nang kumamada si Chua, binigo si Francisco “Django” Bustamante sa quarterfinals patungo sa Last Four.

Apat na lamesa ang winalis ni Chua para luma­mang kay De Luna ng tatlong puntos.

Maaari na niyang ilista ang 8-4 bentahe nang umalog ang kanyang tira sa corner pocket na sinamantala ni De Luna para makalapit sa 5-8.

Nakalapit si De Luna sa 6-7 kasunod ang kanyang mga panalo para ungusan si Chua sa 9-7.

Show comments