Lady Falcons, Lady Bulldogs sa quarters
MANILA, Philippines - Ipinalasap ng Adamson University sa Arellano University ang unang kabiguan nito matapos kunin ang 17-25, 24-26, 25-14, 25-19, 15-11 panalo at angkinin ang ikalawang quarterfinal berth sa Group A sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference kaÂhapon sa The Arena sa San Juan City.
Sa ikalawang laro, pinayukod ng nagdedepensang National University ang Far Eastern University, 25-19, 25-23, 25-19, para kunin ang ikatlong tiket sa quarterfinals.
Nagtuwang sina relieÂvers Amanda Maria VillaÂnueva at Ma. Erika Gel Alkuino para saluhin ang trabaho nina starters MyÂlene Paat at Marleen Cortel sa huling tatlong sets para sa pagbangon ng Lady FalÂcons mula sa pagkakaiwan ng Lady Chiefs sa season-opening confeÂrence ng ligang suportado ng Shakey’s.
Humataw si Villanueva ng 9 hits, habang may daÂlawa si Alkuino para sa tagumpay ng Adamson.
Kinuha ng Lady Falcons ang anim sa huling waÂlong puntos sa fifth set paÂra sa kanilang ikatlong sunod na panalo makaraang mabigo sa UAAP champions na Ateneo Lady Eagles sa pagbubukas ng torneo noong Marso 23.
Tinapos naman ng Arellano ang single round elims bitbit ang 4-1 kartada.
Nakatakda namang waÂkasan ng Adamson ang kaÂnilang kampanya sa eliÂminasyon sa Abril 27 sa pagharap sa St. Benilde.
Nagposte si Shiela PiÂneda ng 17 kills bukod pa sa 2 blocks at 2 service aces, habang may 18 hits naÂman si dating ace spiker Pau Soriano.
Nagdagdag si Thai guest player Pacharee Sangmuang ng 15 marÂkers.
May pinagsamang 28 sa 50 excellent digs ng Lady Falcons sina Pineda at Sangmuang at may 9 hits naman si Villanueva kaÂtulong sina Mylene Paat, JenÂnifer Macatuno, Marleen Cortel at Erika Alkuino.
Bagamat natalo ay nagÂlista ang Arellano ng 11 blocks kumpara sa 8 ng Adamson sa torneong itinataguyod ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.
- Latest