Utos ni Buboy kay Pacquiao vs Bradley: No mercy!
LOS ANGELES--May dalawang salita lamang na sasabihin si Buboy Fernandez para kay Manny Pacquiao sa pag-akyat nito sa boxing ring kontra kay Timothy Bradley sa Las Vegas.
“Wala munang awa-awa,†sabi ni Fernandez.
Walang ibang mas nakakakilala kay Pacquiao kundi si Fernandez, ang kaÂbabata ni ‘Pacman’ at kasalukuyang assistant trainer sa kanyang grupo.
Ilang dekada na silang magkakilala. Magkasama sila sa hirap at ginhawa.
Nang bumagsak si PacÂquiao kay Juan Manuel Marquez, ang unang tao na hinanap ni Pacquiao matapos magbalik ang kanyang ulirat ay si Fernandez.
“Buboy, nasan ka?†pag-alala ni Fernandez sa sinabi ni Pacquiao sa gitna ng kaguluhan sa ibabaw ng ring.
Si Fernandez ang teÂnga ni Pacquiao. Kapag nagsalita siya, nakikinig si Pacquiao.
“Sinasabi ko sa kanya na kailangan natin manalo rito. Hindi natin kailangan ng awa rito,†ani Fernandez.
Magkatulad ng panaÂnaw sina Fernandez at chief trainer Freddie Roach sa pagsasabing nagpakita ng awa si Pacquiao sa kanÂyang mga nakaraang kalaban, kasama rito si Bradley.
Sinabi ni Fernandez na muli niyang pinanood ang laban ni Bradley noong Hunyo 2012 at nalaman na naging mabait si Pacquiao sa loob ng ring at minsan ay nawalan ng kumpiyansa.
At maski na tila sampal ang mga suntok ni Bradley ay siya pa rin ang pinanigan ng dalawang judges.
“Alam ng mundo kung sino ang nanalo pero may mga pagkukulang tayo,†wika ni Fernandez.
- Latest