MANILA, Philippines - Nagwagi ang Sea Lions at ang Lyceum of the Philippines laban sa kani-kaÂnilang mga katunggali sa pagsisimula ng 2014 MBL Open basketball chamÂpionÂship sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.
Sumandal ang Sea Lions sa mainit na kamay ng ex-pro na si Egay Billones upang pabagsakin ang SCUAA runner-up na Polytechnic University of the Philippines, 77-60, habang umaÂsa ang Lyceum sa baÂlanseng scoring attack upang biguin ang NAASCU third-placer na Our Lady of Fatima University, 69-62, sa kapana-panabik na mga laro, na bahagi ng ika 14 taong selebrasyon ng liga.
Si Billones, dating nagÂlaro sa Air21, Purefoods at Talk N Text sa PBA mula 2002-2008, ay humugot ng game-high 20 puntos para sa Sea Lions nina playing coach Jemuel Laron at maÂnager Donna Alvaran.
Tumulong din sina NiÂño Marquez, Raymond MaÂconocido, Pol Santiago, PamÂboy Raymundo at imÂÂport Jimmy Brown para sa Sea Lions.