Bagong Guinness record sa Phl cage marathoners

MANILA, Philippines - Nakamit na ng Pilipinas ang record para sa pinakamahabang non-stop basketball na inilaro sa buong mundo.

Ito ay matapos maglaro nang walang hinto ang mga partisipante sa 2014 Philippine Basketball Marathon mula alas-9 ng umaga no­ong Lunes hanggang alas-9 rin ng umaga kaha­pon sa Meralco Gym.

Nagposte ang Phl cage marathoners ng halos 120 oras ng non-stop basketball na bumasag sa dating world record na 112 oras at 13 segundo ng Missouri Athletic Club na inilista sa St. Louis, Missouri noong Marso 21 hanggang 25, 2012.

Ipinasok ang mga pa­ngalan sa Guinness World Records ng 24-cast na kabilang sa koponan.

Tinalo ng Team Bounce Back ang Team Walang Iwanan, 16,783-16,732, na ang pinagsamang iskor ay nangibabaw sa ginawa ng Missouri.

Ibinigay ni adjudicator Turath Alsaraf, ang Guinness director for records ma­nagement team, kay chief PBM organizer Jac­que Ruby ang certificate ng Guinness recognition para sa nasabing record.

Tiniis ng PBM mix team ang strain, stress at homesickness para basagin ang dating marka.

Ang pondong  malilikom ng koponan ay ibibigay sa mga nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’.

 

Show comments